Boxing News
MMA News
Pro Blogs


Follow 8CNboxing on Twitter    > BOXING SCHEDULE  > ROY JONES JR. TORNADO FUNDRAISER  
> FIGHT LIFE MAGAZINE     

    

 

                                                                                                                             

.
                     



Share

Manny is going to Beat Oscar (In Tagalog)

November 16th, 2008

“Straight from D Source”: Ekslusibong Panayam kay Rashad Halloway.

Tagalog Translation

 

Sino si Rashad Halloway?

Marami sa inyo ang marahil kilala siya bilang sparring partner ngayon ni Manny Pacquiao. Sa iba naman na nagsaliksik ng kaunti (tulad ko) malamang ay kilala niyo siya bilang isang light middleweight na boksingero na may record na 9-1-0 at 5 KO. “Welterweight! Itama mo.” Ang tugon niya sa akin ng mali kong ipinakilala siya sa simula ng aking panayam sa kanya bilang isang light middleweight tulad ng nasa boxrec.com. Sino nga ba talaga itong si Rashad Halloway? Sa sarili niyang mga salita, “kung hinde niyo pa naririnig ang kanyang pangalan, panahon lang at maririnig niyo ren ito.”

Pinalad ako na makausap sa telepono si Rashad nung Martes bago niya simulan ang kanyang training session sa Wild Card Gym Hollywood. Tubong Cincinnati Ohio si Rashad at tinaguriang isa sa pinaka talentadong boksingero na nanggaling doon. “Lumaki ako sa magulong siyudad. Malaki ang boksing sa ciudad ko. Makakakita ka ng mga boksing gym kung saan saan, mula sa siyudad, sa mga maliliit na distrito pati na sa mga basement.” Nagtala si Rashad ng impresibong 111 na laban bilang isang amateur na boksingero at kahit kasisimula pa lang ng kanyang professional career bilang isang boksingero, naka-spar na niya at nakasama ang pinakamagagaling na boksingero sa isport. Isa siya sa mga sparring partner ni Antonio Margarito nung nag hahanda ito sa laban niya kay Miguel Cotto. Nag training din sila ni Shane Mosley ng walong linggo sa training camp ni Mosley at nakatrabaho niya rin ang mga tulad ni Peter Manfredo.

Nang tanungin ko siya kung paano siya napasok sa boksing, masaya niyang binigyang pugay si Sugar Ray Leonard bilang isa sa pinakamalaking impluwensiya niya. “Gustong gusto ko siya panoorin nung bata pa ako. Meron ako nung Franklin gloves at punching bags niya noon. Mula noon gusto ko na talaga siya at gusto ko rin yung WBC belt na tinatangan niya noon kaya eto, sinubukan ko ren maging tulad niya.”

Tinatawag niya ang sarili niya na isang bersatilong boksingero at isang “slick boxer-puncher” nang tinanong ko siya kung papano siya lumaban at bakit tingen niya na pinili siya ni Freddie Roach para maka-sparring ni Pacquiao sa nalalapit niyang laban kay Oscar De la Hoya. “Napakabersatilo kong boksingero. Slick-boxer ako. Mahusay ang aking kaliwa- ang aking jab at left hook. Tingen ko kinuha nila ako dahil sa aking istilo. And taas ko ay 5’11 at ¾. Halos 6 feet ang taas ko. Madalas ko gamitin ang aking jab. Malimit ko ring gamitin ang aking mga hook. Napakalakas ng left hook ko at madalas ko itong gamitin at mabilis ito. Matalino akong manlalaban. Nagiisip akong boksingero. Hinde ako tatanga  tangang boksingero. Kaya kong mag-box, kaya ko ren sumapak. Hinde ako masyadong malakas sumapak pero may hagupit din ang mga sapak ko. Kaya ko gawin lahat sa loob ng ring.”

Sa Wild Card Gym sa Hollywood nagtre-training si Rashad nitong mga nakaraang isa’t-kalahating taon. Lumipat siya sa LA nang hinde nag work out ang dati niyang mga training camp sa ibang lugar. Dinala siya dito ng mga tao niya at inabisuhang subukan ang Wild Card. Dito nakita siya ni Freddie Roach at Eric Brown. Naging maganda ang kemistry at samahan ni Eric at Rashad at mula noon sa Wild Card na siya nag tre-training.

Tinanong ko rin siya tungkol sa mga sparring session niya at mga opinyon niya tungkol kay Manny Pacquiao. Isang bagay na masasabi ko tungkol kay Rashad, siya ay isang motibadong tao at maririnig mo sa tinig niya ang pagmamahal niya sa isport ng boksing. Masarap siyang kausap dahil para siyang bata na tuwang-tuwa na makabilang sa mundo ng boksing. Ito ang iba pang parte ng panayam ko kay Rashad Halloway.

 

***

 

 

8 COUNT NEWS – Alam naming nakikipag-sparring ka ngayon sa pinakamagaling na Pound-for-Pound boxer na si Manny Pacquiao. Sabihin mo sa amin kung kamusta naman iyon at ano ang nararamdaman mo ngayon na ka-sparring mo ang pinakamahusay na boksingero sa planeta?

RASHAD HALLOWAY – Isang karangalan ito at prebiliheyo. Si Manny ang pinakamagaling. Napakabuting tao ni Manny nga pala bago ang lahat. Napakahusay na boksingero, malaki ang respeto ko sa kanya. Para masubukan mo ang sarili mo kontra sa pinakamagaling na boksingero sa mundo at makaporma ka ay isang malaking pagsubok sa kakayanan ng kahit sinong boksingero at nakakatulong magpalakas din ng loob. Marami rin akong natutunan bukod doon.

8 COUNT NEWS – Papano naman tinatanggap ni Manny ang mga suntok mo? Paano mo makukumpara ang mga suntok ni Manny sa mga naka-sparring mo noon na tulad mong mga welterweight at kasing laki mo?

RASHAD HALLOWAY – Mabuti ang pag-tanggap ni Manny. Maganda ang pag-tanggap niya sa mga suntok ko. Sasabihin ko sa iyo ito, kaya ni Manny ang mga suntok at lapit pa ren siya ng lapit pagkatapos. Sa totoo lang, nagulat ako sa lakas ni Manny. Nung una hinde ko inisip na magiging malakas si Manny kaya medyo nilaro-laro ko nung umpisa tapos biglang tinamaan ako ng mga malalakas niyang suntok. Sabi ko sa sarili ko, “Diyos ko po! hinde na dapat ako matamaan ng ganun ulit!” (Tumatawa). Kayang humagupit ni Manny. Talagang nadadagdagan ang lakas ni Manny sa pag-akyat niya mula sa lightweight. Napakalaki ng kanyang mga binti. Doon nanggagaling ang kanyang lakas… sa kanyang mga binti. Ekplosibo siya.

8 COUNT NEWS – Nakita mo na ang pinakamagagaling sa larangan ng boksing. Ano sa tingen mo ang kakaiba kay Manny para tanghalin siyang isa sa pinakamagagaling na boksingero sa mundo?

RASHAD HALLOWAY – Napakaeksplosibo ni Manny. Hinde mo talaga malalaman kung gaano siya kaeksplosibo hanggat hinde mo siya nakakaharap sa ring. Si Manny ang may pinakamabibilis at eksplosibong mga paa sa loob ng ring na nakita ko. Napakagaling niyang mag-sara ang mga pagitan sa ring. Napakalaki ng puso ni Manny, kaya kailangan niya rin na mag-ingat sa nalalapit niyang laban. Hinde dapat siya makipagsabayan at hayaan madala siya ng puso niya. Kailangan niyang mag-“box” at maging mautak. Manatili dapat siya sa plano at wag magpakawala kasi napakalaki ng puso ni Manny. Papasok siya dun at pakakawalan niya ang mga suntok niya kahit kanino sa kahit anong punto ng laban pero dapat mag-kontrol siya. Kakaibang mandirigma si Manny. Mabilis ang kanyang mga paa, mabilis ang kanyang mga kamay. Napakalakas niya at napakabilis- napaka eksplosibo! Karamihan ng mga boksingero mabibilis ang kamay pero hinde nila kayang gumalaw tulad ni Manny. Mahusay ang mga kamay ng mga boksingero sa panahon ngayon pero hinde kasing galing ang kanilang mga binti. Napakagaling ng mga binti ni Manny.

 8 COUNT NEWS – Tingen mo ba may pag-asa talaga si Manny na talunin si De la Hoya?

RASHAD HALLOWAY – Pinipili ko si Manny na talunin si Oscar! At hinde ko sinasabi yan para pumabor lang kay Manny dahil andito ako sa kampo niya. Napipisil ko siya para talunin si Oscar. Pinaniwala niya ako. Tatalunin niya si Oscar

8 COUNT NEWS – Tingen mo kaya ni Manny patulugin si Oscar?

RASHAD HALLOWAY – Sa totoo lang, alam namin na may lakas si Manny para patulugin si Oscar, naniniwala ako diyan. Pero hinde ko aasahan na ma na-knockout ni Manny si Oscar pero naniniwala ako na mas magiging aggresibo at tatalunin ni Manny sa pagiging aktibo si Oscar. Sinisigurado ko na bibiglain at magugulat ni Manny si Oscar sa isang punto ng laban. Tinamaan nga noon ni Steve Forbes si Oscar eh. Hinde magaling si Oscar laban sa mga southpaw kaya naniniwala ako na tatamaan ng husto ni Manny si Oscar. 

8 COUNT NEWS – Napakagandang obserbasyon. Maraming matutuwa na Pacquiao fans sa mga sinabi mo diyan. 

RASHAD HALLOWAY – Syempre, syempre.

8 COUNT NEWS – Sabihin mo sa amin ang mga plano mo. Ano ang istura ng hinaharap na kinabukasan ni Rashad Halloway?

RASHAD HALLOWAY – Maganda and itsura ng hinaharap kong kinabukasan sa ring. Tinitignan naming makapasok sa undercard (ni Manny) pero puno na ata iyon kaya tinitignan din namin na lumaban ako sa isang promosyon ng Top Rank sa ika-13 ng Disyembre. Focused ako at naghahanda ng mabuti. Malamang hinde lalagpas ng ika-13 ng Disyembre at magkaka laban ako at tapos nun sa dadating na taon posibleng makita niyo ako lumaban ng mga walong beses at sana makapasok sa top 10 ng rankings sa NABA, NABF at NBO.

8 COUNT NEWS – Ayos! Susubaybayan ka namin pare. At bago tayo magtapos, may masasabi ka ba sa mga fans mo lalo sa mga fans mo dito sa Midwest? 

RASHAD HALLOWAY – Gusto ko lang pasalamatan lahat sa kanilang suporta. Malayo na narating ko mula pa noong amateur ako hanggang sa pros at marami na rin akong dinaanan sa laro ng boksing. Galing ako sa kalye at kahirapan at ngayon nakabalik na sa loob ng ring para lumaban muli. Gusto ko lang pakita sa mga kabataan na galing sa mahihirap na lugar lalo sa siyudad na kaya niyo gawin kahit ano gusto niyo. Wala akong pakealam kung saan ka nanggaling basta pagsikapan niyo lang ang gusto niyong marating at mararating niyo iyon.

8 COUNT NEWS – Sige Rashad, papabalikin na kita sa training mo at maraming salamat sa oras mo at pinaunlakan mo ang interview ko.

RASHAD HALLOWAY – Maraming salamat.

 

WAKAS





White Light Cemetery interview White Light Cemetery interview

White Light Cemetery is a southern rock/metal band from all over North America and landing in Lafayette, Louisiana. These guys started this band in 2008, with one goal to create pure organic sound that happens when a band gets together and jams!! I personally seen these guys quite a few times and...







> Advertise on 8CN
> Email 8CN | Contact@8countnews.com
Syndicate our news:
Boxing RSS Feed 

MMA RSS Feed

8CN Privacy Policy
Copyright 2008-2011 8countnews.com

Any commercial use or distribution other than RSS syndication without the express written consent of 8countnews.com is strictly prohibited.