“Wala pang sinasabi si Manny na magreretiro siya sa 2009” – Bobby Pacquiao
Magandang Araw! Tulad ng aking pinangako, andito nanaman ako para sa isang interview sa kolum kong “Straight From D Source”. Pinalad akong makapanayam ngayon ang dating Super Featherweight champion na si Bobby Pacquiao. Nag-eensayo siya ngayon sa Wild Card Gym sa LA kung saan nagtre-training din ang kapatid niyang si Manny.
Marami kaming napagusapan, kasama na rito ang nalalapit niyang laban sa November 20. May impormasyon ding sinabi si Bobby sa akin na tiyak kong ikatutuwa ng maraming fans ni Manny.
***
8 COUNT NEWS – Nandito tayo ngayon kasama si Bobby Pacquiao. Boxing Herald. Kamusta na Bobby?
BOBBY PACQUIAO – Ok lang naman po. Nandito kami sa training camp nag tre-training.
8 COUNT NEWS – Ano balita ngayon sa boxing career mo?
BOBBY PACQUIAO – Sa ngayon may laban ako this coming November 20 sa San Jose for 10 rounds only.
8 COUNT NEWS – Sino ang makakalaban mo?
BOBBY PACQUIAO – Frankel. His last name is Frankel.
8 COUNT NEWS – Ayos. Panonoorin natin yan. Kamusta naman ang kundisyon ng pangangatawan mo ngayon?
BOBBY PACQUIAO – Sa ngayon ok naman ako. Nasa kundisyon na. Ready na sa fight sa November 20. Handang-handa na talaga.
8 COUNT NEWS – Eh si Manny naman, kamusta naman si Manny ngayon sa kanyang training?
BOBBY PACQUIAO – Ito, kakatapos lang ng sparring niya. Nasa kundisyon na siya. Maganda ang pinakita niya sa sparring ngayon.
8 COUNT NEWS – May nakikita ka bang iba sa pangangatawan ni Manny ngayon kumpara sa dati niyang paghahanda?
BOBBY PACQUIAO – Sa ngayon talagang ok siya ngayon dahil malaki ang timbang niya. Ok lang ang timbang niya. Malakas siya ngayon. Malakas. Dahil yung weight niya, ok ang weight niya mga 160 ganun.
8 COUNT NEWS – Mayroon ba siyang ibang ginagawa ngayon na hinde niya ginagawa dati at sa tingen mo kakayanin niya ba talaga si Oscar dahil maraming kinakabahan na mga kababayan natin?
BOBBY PACQUIAO – Marami silang ginagawa, marami silang technique na ginagawa. Lalo na sa mga technique na tinatago nilang secrets tapos sit-ups madami. Talagang maraming ginagawa na pinagbago sa training niya ngayon.
8 COUNT NEWS – Ikaw naman, sino ang gusto mong makalaban? Mayroon ka bang napipisil na gusto mong makalaban o kahit rematch ng mga dati mong nakalaban?
BOBBY PACQUIAO – Gusto kong mag rematch sa mga nakatalo sa akin. Gusto kong makipag rematch.
8 COUNT NEWS – Katulad ng laban mo kay Velasquez, tingen mo tama ba yun na dinisqualify ka nila sa low-blow?
BOBBY PACQUIAO – Actually gusto ko talagang makipag rematch dun. Dahil di ko akalain na ganun ang mangyayare pero wala. Ganun eh, wala.
8 COUNT NEWS – Marami sa aming naniniwala na kaya mo pa uling maging kampyon kaya gusto talaga naming makita na labanan mo ulit ang mga malalakas na kalaban na meron diyan.
BOBBY PACQUIAO – Sa ngayon yung training ko dati dinodoble ko ngayon para mabawe naman ang pangalan ko. Hinde na yung dating talo kaya kailangan kong bumawe- ibalik ang pangalan ko.
8 COUNT NEWS – Ano naman ang nag-iba sa buhay mo ngayon kumpara dati nung di pa masyado kayong kilala ni Manny? Ngayon kilalang kilala na kayo sa buong Pilipinas at pati na sa buong mundo.
BOBBY PACQUIAO – Unang-una, pasalamat kami talaga sa Panginoon. Hinde niya kami pinabayaan, lalong-lalo na sa career naming na napakadelikado. Pero sa ngayon ok lang naman kami. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga tumulong sa aming magdasal. Sa lahat ng mga fans na mahilig sa boxing. Sana suportahan niyo lagi ang aming mga fight. Lalo na sa aming dalawa. Sana suportahan ng buong sambayanang Pilipino.
8 COUNT NEWS – May mga nagbabalita na malamang huling taon na ni Manny itong nararating 2009 sa boxing at magreretiro na siya. Eh ikaw, gaano katagal mo pang gusto manatili sa boxing?
BOBBY PACQUIAO – Actually hinde pa naman talaga finalized yung mga lumalabas na yun sa mga tao. Hinde naman talaga sinabi ni Manny na ganun na at mag-stop na siya. Siguro normal lang yun sa mga tao mag decide na ganun na lahat na daw pero actually si Manny sinasabi wala.
8 COUNT NEWS – Napakagandang balita niyan dahil yun nga, maraming tsismis na lumalabas galing sa kung saan-saan na baka daw huling taon na ni Manny next year. So wala pa talagang sinasabi si Manny na ganun?
BOBBY PACQUIAO – Wala pa yung ganun. Wala pang sinasabi si Manny.
8 COUNT NEWS – Eh paano ikaw naman?
BOBBY PACQUIAO – Sa akin naman, ito, abangan ng lahat ng mga Pilipino, ng mga kababayan namin sana abangan niyo ang laban ko sa November 20.
8 COUNT NEWS – Meron ka bang mensahe sa mga fans mo, lalo na sa mga kababayan natin?
BOBBY PACQUIAO – Lalong-lalo na sa mga kababayan natin dito sa LA, kahit saang sulok ng mundo, sana suportahan niyo ang laban naming dalawa lalong-lalo na kay Manny, at lalo na sa akin this coming November 20 at December 6 sa Las Vegas at sa San Jose. Sana suportahan niyo po.
8 COUNT NEWS – Salamat Bobby, maraming maraming slamat.
BOBBY PACQUIAO – Maraming salamat.